3 suspek sa Cavite massacre, timbog
February 10, 2007 | 12:00am
CAVITE  Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang may kinalaman sa brutal na pamamaslang sa tatlong miyembro ng pamilya ang inimbitahan ng pulisya sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus makaraang ituro ng mga saksi kahapon sa Barangay San Juan, Ternate, Cavite.
Ayon sa isang opisyal ng pulisya na ayaw magpabanggit ng pangalan, nakilala ang dalawa sa mga inimbitahan at itinuturong suspek na sina Sherwin at Alderico Cabral habang ang isa ay pansamantalang itinago ang pangalan at pawang residente ng nasabing barangay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nabatid na ang isa sa tatlong kalalakihang inimbitahan ng pulisya ay nakitang kasama ng INC minister na si Darius Api bago ito napaslang.
Dagdag pa ng mga imbestigador na ang dalawa namang suspek ay nakaalitan ng pamilya Api sa hindi nabatid na dahilan. Samantala, sinisilip din ang motibong pagnanakaw dahil sa nawawala ang kalibre .45 baril na pagmamay-ari ng nasabing ministro.
Matatandaang, bandang ala-una ng hapon nang natagpuan ang bangkay ng mag-asawang Terry, ilang buwang buntis; Darius Api at ang anim na taong gulang na anak na si Kurt Russel na may mga tama ng bala ng baril sa katawan at nakahandusay sa loob ng pastoral room ng Iglesia ni Cristo compound. (Arnell Ozaeta, Ed Amoroso at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended