Bacoor Mayor Castillo tinanggalan ng police power

CAMP CRAME — Matapos ang kontrobersyal na pagpa-padlock kamakalawa sa himpilan ng Bacoor police, tinanggalan na kahapon ng ‘police power’ ng National Police Commission si Bacoor, Cavite Mayor Jessie Castillo.

Ito ay makaraang pagtibayin nina Department of Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno at Philippine National Police Chief Gen. Oscar Calderon, Chairperson at Commissioner ng tanggapan, ayon sa pagkakasunod ang withdrawal of deputation resolution na epektibong nag-aalis dito ng kapangyarihan sa mga pulis sa kanyang nasasakupan.

Naging basehan ng hakbang ang ginawang pag-abuso sa kapangyarihan at pagiging arogante ni Castillo nang ipi nag-utos nito ang pagpa-padlock ng Bacoor gayundin ng lahat ng equipments supplies partikular na ang mga mobile cars na donasyon ng munisipyo na hindi umano maaring basta na lamang palagpasin ng NAPOLCOM.

"These actions of Mayor Castillo indubitably constitute abuse of authority that the Commission cannot tolerate nor condone," anang bahagi ng resolusyon na nakapaloob sa Section 52, RA 6975. (suspension/withdrawal of deputation).

Nabatid na sa ilalim ng section 64 ng Republic Act 8551, ang mga gobernador at mayor ay awtomatikong nagiging deputized representative ng Napolcom kung saan nabibigyan ang mga ito ng kapangyarihang makialam sa operational supervision at control sa mga pulis sa kanyang nasasakupan.

Kasabay nito, inihayag ni Calderon na ipinasisibak na niya si Borja na iniutos isailalim sa summary dismissal proceedings. Ang nasabing hepe ay nahaharap rin sa kasong administratibo dahilan sa kapabayaan at mahinang seguridad ng hayaan si Castillo na ipadlock ang nasabing himpilan. (Joy Cantos)

Show comments