Nag-ugat ang tensyon sa nasabing himpilan ng pulisya matapos mabalitaan ni Bacoor Mayor Jessie Castillo, ang nakaambang pagsibak sa puwesto ng puwersa ng pulisya kabilang na ang police chief na si Chief Inspector Alex Peña Borja.
Ani Castillo, isang miyembro ng Nacionalista Party (NP), napilitan siyang kandaduhan ang police station para mahadlangan ang masamang balak ng kalaban sa pulitika laban sa kanilang kapulisan.
Inakusahan ni Castillo, si Senator Ramon "Bong" Revilla na nasa likod ng pagpapasibak ng kanyang mga alipores na pulis para palitan nang dating pinaalis sa Bacoor police station.
"Gusto nilang makontrol ang kapulisan sa Bacoor para magamit sa nalalapit na eleksyon," dagdag ni Castillo.
Posibleng maglaban-laban sa pagka-mayor ng Bacoor ang asawa ni Castillo na si Minerva at ang kapatid ni Senator Revilla na si Strike na kasalukuyang chairman ng PCSO at ang incumbent vice mayor na si Edwin Malvar.
Mariin namang pinabulaanan ni Senator Bong Revilla ang mga akusasyon ng Mayor Castillo at iginiit nitong wala siyang control sa PNP at sa Comelec.
"Ang dahilan kung bakit planong sibakin ang hepe ng Bacoor PNP dahil nasasangkot ito sa pagpapalaya ng isang drug pusher sa pag-uutos na rin ni Mayor Castillo," pahayag ni Revilla.
Sa panayam kay Bong sa radyo, ipinagtapat sa kanya ni Cavite provincial director Senior Superintendent Fidel Posadas, kung papaano minaniobra ni P/Chief Inspector Borja ang pagpapalaya sa isang suspek na drug pusher na may apelyidong Ocampo, matapos itong mahulihan ng isang kilong shabu at baril sa Bacoor noong Enero 11, 2007.
Dagdag pa ni Revilla na pinunit pa ni Borja ang record sa police blotter kung saan nagpapakitang naaresto ang suspek at pinapatunayan ng mga pulis sa Bacoor police station.
"Sa takot n’yang mabulgar ang buong pangyayari, ginagawa n’ya ang lahat para proteksyunan ang kanyang hepe, tapos kami ang itinuturo na may kagagawan sa planong pagpapasibak sa hepe ng pulis," dagdag pa ni Revilla
Ayon naman kay P/Senior Supt. Fidel Posadas, hindi siya nagpalabas ng relief order kay Borja
"Wala akong order para sibakin si Borja, our plan is to have him investigated on an alleged complaints against him," pahayag naman ni Posadas - "there was an existing Comelec ban that prohibits the removal, transfer, hiring and firing of personnel," dagdag nito.
Sa isinagawang meeting naman nina Castillo, acting Cavite Governor Jonvic Remulla at Region 4 police director Chief Supt. Nicasio Radovan, napagkasunduan buksan na ang mga police station, pero hindi na tinalakay ang iba pang detalye ng pag-uusap.
Samantala, sinabi na_man ni DILG Undersec. Wencelito Andanar, na malamang na makasuhan si Mayor Castillo dahil sa pagpapasara ng PNP headquarter at pagbawi sa mga mobile car, motorcycles at communications at kahit na may mga biniling pasilidad at kagamitan si Castillo para sa Bacoor PNP station ay pera ng gobyerno ang ginað_mit. (Dagdag ulat nina Angie Dela Cruz, Joy Cantos, Rudy Andal at Lordeth Bonilla)