^

Probinsiya

Estudyante natuklaw ng dalawang ahas, patay

-
BULAKAN, Bulacan — Naglaho ang pangarap ng isang 10-anyos na mag-aaral na namatay sa tuklaw ng mag-asawang ahas sa likurang bahagi ng kanilang eskuwelahan noong Biyernes ng umaga sa Barangay Sta. Ana, Bulakan, Bulacan.

Nakilala ang biktima na si July Galvez, nasa ikaapat na baitang sa Sta. Ana Elementary School at residente ng nabanggit na barangay.

Sa pahayag ni Erlinda Franco, punong guro ng Sta. Ana Elementary School, matapos palabasin ang biktima bandang alas-11:30 ng umaga noong Biyernes, dumaan ito sa likuran ng nasabing paaralan kasama ang apat pang mag-aaral.

Naglaro pa sa talahiban ang biktima kung saan ay nag-tumbling pa ito hanggang sa matuklaw ng mag-asawang ulupong.

Agad naman ipinagbigay-alam ng mga kaklase ang insidente sa mga magulang at mabilis na isinugod sa ospital.

Nalunasan naman ang tuklaw sa tagiliran ng katawan ng bata at nakauwi na ang biktima, subalit bandang alas-5 ng hapon noong araw ding iyon ay nagsimula itong nangitim kayat isinugod muli sa ospital at huli na ang lahat dahil kumalat na sa katawan ang kamandag dahil hindi napansin ang tuklaw sa braso. (Dino Balabo & Boy Cruz)

vuukle comment

ANA ELEMENTARY SCHOOL

BARANGAY STA

BIYERNES

BOY CRUZ

BULACAN

DINO BALABO

ERLINDA FRANCO

JULY GALVEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with