Ambush: Vice mayor sugatan, drayber patay
February 7, 2007 | 12:00am
CATBALOGAN CITY, Samar Pinaniniwalaang may kaugnayan sa politika ang pananambang sa nasugatang vice mayor ng bayan ng Motiong na ikinasawi naman ng kanyang drayber sa naganap na madugong karahasan sa bahagi ng Barangay Lokilokon sa bayan ng Paranas, Samar kahapon.
Kasalukuyang ginagamot sa Samar Provincial Hospital si Motiong, Vice Mayor Francisco Langi matapos na tamaan ng bala ng 9mm baril sa paa at dalawa sa tagiliran.
Napatay naman ang drayber na si JC Dacanay, na napuruhan sa ulo habang nagmamaneho ng motorsiklo sakay si Vice Mayor Langi at asawa nitong si Fe Langi na nasugatan din.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na sakay ng motorsiklo ang tatlong biktima patungo sana sa Barangay Inalad sa bayan ng Motiong.
Bandang alas-3:17 ng hapon nang harangin ng ang-iisang armadong lalaki bago isinagawa ang pananambang.
Sinisilip ng pulisya kung isa sa mga kalaban sa politika ni Vice Mayor Langi ang utak sa pana nambang dahil sa nalalapit na May 14 elections.
Magugunitang, pinagbabaril din hanggang sa mapatay ang political leader ng An Waray party-list na si Sixto Elisan sa Barangay Bugto, Hinabangan, Samar, may ilang araw pa lamang ang nakalipas. Ang asawa naman ni Bokal Concepcion De Luna, na si Dominador De Luna ay binaril at napatay ng dalawang hindi kilalang lalaki habang naglalakad sa bahagi ng Catbalogan City, Samar noong Martes (Enero 30)
Noong Enero 25, tinambangan at napatay ng mga hindi kilalang kalalakihan si Daram, Mayor Benito Astorga sa bahagi ng Barangay Binawaran, Catbalogan City. (Maricel Castillo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended