Tiyo tinopak, pamangkin kinatay
February 7, 2007 | 12:00am
BATAAN Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang 8-anyos na mag-aaral na lalaki makaraang pagtatagain ng sariling tiyuhin sa loob ng kanilang kubo sa Barangay Apollo, Orani, Bataan kamakalawa ng hapon.
Nagtamo ng labingwalong sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Prince Vincent Calderon, grade 1 pupil, samantalang nasakote ng mga alagad ng batas mula sa bayan ng Orani at Dinalupihan, ang sus pek na si Ronaldo Calderon, 27, katiwala sa farm na pag-aari ni Atty. Edmund Legaspi ng nabanggit na barangay.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Albert Manabat, lumilitaw na naglalarong mag-isa ang biktima nang tawagin ito ng kanyang tiyuhin at ikinulong sa kubo hanggang sa mapagtripang paslangin. Natagpuan ang duguang katawan ng biktima ng kanyang lola na aksidenteng nagtungo sa kubo.
Ayon kay Police Inspector Antonio Apan, hepe ng Orani PNP, ipasusuri nila ang suspek sa National Center for Mental Health dahil hindi magagawa ng isang matinong tao ang brutal na krimen laban sa bata.
Hindi naman makausap ng mga pulis ang suspek dahil wala sa katinuan na pinaniniwalaang may sapi. (Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended