^

Probinsiya

Sulyap Balita

-
Motorsiklo sumalpok: Utol todas, 1 sugatan
CAVITE – Hindi na nakaligtas sa kamatayan ang isang mister habang sugatan naman ang kapatid nito matapos na sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa isang pang sasakyan sa kahabaan ng General Trias, Cavite kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Divine Grace Hospital ang biktimang si Samuel Falsario, 39, habang sugatan naman si Enrile Falsario 34, magkapatid kapwa may-asawa at residente ng Brgy. Punta 2, Tanza, Cavite.

Dakong alas-10:30 ng gabi habang binabaybay ng magkapatid ang kahabaan ng Brgy. Bacao 2 sakay ng Honda Wave AF100 motorcycle, kulay blue (VH-6385) nang sumalpok sa ‘di naiwasang kasalubong na ’di nabatid na sasakyan sa pakurbang daan.

Matapos na tumilapon ang dalawa ay bumagok ang ulo ni Samuel sa semento habang nagkasugat sugat at napilayan ang kapatid nito na pinaniniwalaang nasa impluwensya ng alak habang nagmamaneho. (Cristina Timbang)
Ex-CAFGU itinumba ng NPA
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang dating miyembro ng CAFGU (Citizens Armed Forces and Geographical Unit) ang nasawi matapos na pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bilyaran kamakalawa ng gabi sa Sitio Namuongan, Purok 5, Brgy. Daguit, Labo, Camarines Norte.

Ang biktima ay si Felix Sanchez, 44, may-asawa, tricycle driver at residente ng naturang lugar. Sa ulat, dakong alas-6 ng gabi habang ang biktima ay nanood ng larong bilyar na pag-aari ng isang nakilalang Celso Lacson nang lumutang ang tatlong mga miyembro ng Sparrow Unit ng NPA na pawang armado ng kal. 45 pistola at bigla na lamang pagbabarilin sa ulo ang biktima. (Ed Casulla)

BRGY

CAMARINES NORTE

CAVITE

CELSO LACSON

CITIZENS ARMED FORCES AND GEOGRAPHICAL UNIT

CRISTINA TIMBANG

DIVINE GRACE HOSPITAL

ED CASULLA

ENRILE FALSARIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with