226 sundalo nabigyan ng lupat bahay
February 5, 2007 | 12:00am
FORT RAMON MAGSAYSAY, Palayan City Umaabot sa 226 sundalo ng pamahalaan ang tumanggap noong Sabado ng certificate of ownership o pagmamay-ari ng lupa at bahay na handog ng gobyerno sa ilalim ng "PGMA Kalinga sa Kawal" program.
Panauhing pandangal sina Lt. General Romeo Tolentino, Philippine Army Commander, at dating Kongresista Mark Jimenez, na siyang guest speaker sa isang isang seremonya sa Sitio Pinaltakan, Barangay Caballero, ng lungsod.
Ang mga beneficiaries ay mula sa Special Forces Regiment, Special Operations Command, 3rd Mechanized Infantry Battalion, Training and Doctrine Command, 525th Engineer Battalion at Light Armored Division ng 7th Infantry Brigade. Sinabi ni Tolentino, na buhay ang puhunan ng mga sundalo sa kanilang trabaho subalit sila pa ang napapabayaan ng gobyerno na karamihan ay walang sariling bahay at nangungupahan lamang o nakikitira sa mga biyenan o kamag anak.
Umaabot sa P50,000 ang halaga ng bawat bahay na ang kalahati nito ay babayaran ng recipients at ang kalahati ay donation galing kay Jimenez. Ang bawat lote ay 300 square meter na bigay ng gobyerno. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
20 hours ago
Recommended