Rambol: 1 patay, 1 kritikal
February 5, 2007 | 12:00am
CAVITE Butas ang lalamunan ng isang bagets sanhi ng kanyang agarang kamatayan habang nasa kritikal na kondisyon ang isa pa nang magkaroon ng rambulan sa pagitan ng dalawang grupo ng kabataan sa Alfonso, lalawigang ito kamakalawa ng gabi.
Sa ulat mula sa tanggapan ni Cavite PPO P/SSupt. Fidel Posadas, kinilala ang namatay na si Raymond Manalo 17 habang kritikal at kasalukuyang inoobserbahan sa Dela Salle University Hospital si Roderic Credo 18, kapwa binata, jobless at residente ng Brgy Upli, ng bayang nabanggit.
Mabilis namang naaresto si Joel Rogacion 19, habang mabilis na nakatakbo sina; Rolly Faller, 19, Jonathan De Castro, 18, pawang mga binata, jobless at residente ng Brgy. Esperanza sa bayan ding ito.
Sa imbestigasyon ni PO3 Malimban dakong alas-7:00 ng gabi habang nakatambay ang mga biktima sa tabi ng kalsada ng Brgy. Mangas 1 ng lapitan ng mga suspek at komprontahin.
Dahil sa kapwa mainit ang dalawang grupo nagkaroon ng rambulan at bago pa nakaiwas ang biktima ay pinagsasaksak sila ng mga suspek dahilan upang bumulagta si Manalo na nasaksak sa ilalim ng lalamunan at tamaan naman sa likuran si Credo.
Nabatid na bago ang insidente ay kinursunada muna ng grupo ng mga biktima ang mga suspek dahilan upang rumesbak ang mga ito at matiyempuhan ang naiwang dalawang mga biktima sa gilid ng kalsada. (Cristina Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended