^

Probinsiya

Fiscal, nag-bail sa kasong direct bribery

-
BUTUAN CITY – Nagpiyansa na ang prosecutor na nasakote ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation sa kasong direct bribery na inireklamo ng isang lady trader makaraang maaktuhang tumanggap ng kotong sa loob ng kilalang fastfood chain sa isinagawang entrapment operation noong Huwebes ng umaga sa Butuan City.

Pinalaya na kahapon ang 60-anyos na si Surigao del Sur Prosecutor Teofilo B. Manuel Jr. matapos na makapaglagak ng P20,000 sa kasong direct bribery, ayon kay NBI-13 Head Agent Eric Distor.

Dahil sa hindi kuntento sa nasabing kaso ay bibigyan naman ng espesyal na atensyon ni NBI Caraga Regional Director Atty. Lauro Reyes, si Fiscal Manuel kung saan dapat ay robbery extortion ang isinampang kaso at hindi direct bribery.

Base sa naunang ulat, si Fiscal Manuel Jr. ay nilapitan ng lady trader na si Remedios Leyson Moloboco para magsampa ng kasong estafa laban sa isang residente ng Marihatag, Surigao del Sur.

Ayon kay Moloboco, dalawang ulit na humingi ng pera si Fiscal Manuel kapalit ng legal assistance sa kasong isinampa kaya nairita na ang lady trader at humingi ng tulong sa NBI.

Sa isinagawang entrapment noong Huwebes (Peb. 1) ng mga tauhan ng NBI sa Caraga Region na pinangunahan nina Eric Distor, Benjamin Magtoto, Francis Lamoste, Gabriel Falcon at Joel Firmalino, nasakote si Surigao del Sur Prosecutor Teofilo Beberino Manuel, Jr. habang nasa aktong tinatangap ang P6,000 kay Moloboco sa loob ng Gaisano Mall sa Butuan City.

Itinanggi naman ni Fiscal Manuel ang akusasyon ng lady trader at nabigla sa pagkakaaresto sa kanya ng NBI.

"Nasa Butuan City ako para i-renew ang aking free passes sa Bachelor Express Bus Company," pahayag pa ni Fiscal Manuel. (Ben Serrano)

BACHELOR EXPRESS BUS COMPANY

BEN SERRANO

BENJAMIN MAGTOTO

BUTUAN CITY

CARAGA REGION

CARAGA REGIONAL DIRECTOR ATTY

ERIC DISTOR

FISCAL MANUEL

FISCAL MANUEL JR.

SURIGAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with