Base sa ulat ni P/Inspector Usman Julwadi Edding, karamihang biktima ng trahedya ay residente ng mga Barangay Maragang at Lacupayan sa bayan ng Tigbao at iba naman ay sa bayan ng Bayug.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, ang tanker truck (GGC-974) na minamaneho ni Noel Bahinting ng Cagayan de Oro City ay loaded ng likidong cardon dioxide at dadalhin sana sa Coca-Cola Bottling Company sa Zamboanga City mula sa Davao Coca-Cola plant sa Davao City.
Napag-alamang din na nawalan ng preno ang truck kaya sumalpok sa gilid ng highway at ilang minuto pa ang nakalipas ay sumambulat ang tanker.
Ilan sa mga kalalakihan ang nagbabalak sanang tumulong ay nasawi rin at nakalbo ang 100 metro ng kabundukan dahil sa lakas ng pagsabog ng tanker.
Kabilang sa mga sasakyang nadamay sa trahedya ay tatlong motorsiklo, isang 6-wheeler cargo truck, kotseng Innova, isang Isuzu pick-up van at ang pampasaherong bus (JVC 974) na may lulang 50 pasahero na nagkalasug-lasog ang katawan matapos na mahulog sa bangin.
Ang mga biktimang nagkahiwa-hiwalay ang katawan matapos na marekober may 20 metro ang layo sa pinangyarihan ng pagsabog ay nakilalang sina Mamerto Day, 30, at ang asawang si Argie, 21, na bagong kasal noong Enero 31, 2007.
Samantalang si Corporal Aurillo Ansao na nakasama sa nasawi ay magbabakasyon lamang sa kanilang bayan mula sa Misamis. (Angie dela Cruz, Lino Dela Cruz at Roel Pareno)