^

Probinsiya

Political lider itinumba

-
TACLOBAN CITY — Isa na namang bayolenteng krimen ang naganap sa Samar matapos na ratratin hanggang sa mamatay ang isang 45-anyos na political lider ng An Waray party-list group sa Barangay Bugto sa bayan ng Hinabangan ng nasabing lalawigan kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Sixto Elisan na pinagbabaril ng mga maskaradong kalalakihan sa niyugang sakop ng nabanggit na barangay ganap na ala-una ng madaling-araw.

Tatlo namang kalalakihan ang dinakip ng mga tauhan ni P/Chief Supt. Eliseo dela Paz matapos na mamataang nakatayo malapit sa crime scene.

Pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan ng mga suspek habang sumasailalim pa sa masusing interogasyon.

Sinisilip naman ng mga tagapagsiyasat ng pulisya kung may kinalaman sa politika ang krimen, subalit hindi inaalis ang anggulong may kinalaman ang pamamaslang sa mga kasong isinampa ng biktima laban sa ilang kilalang personalidad sa nasabing munisipalidad. (Miriam Desacada)

vuukle comment

AN WARAY

BARANGAY BUGTO

CHIEF SUPT

ELISEO

HINABANGAN

ISA

KINILALA

MIRIAM DESACADA

SIXTO ELISAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with