Kuta ng terorista ni-raid: 1 patay, 4 tiklo
February 2, 2007 | 12:00am
TAYTAY, Rizal Napigilan ang balak na pambobomba sa ilang bahagi ng Metro Manila makaraang masakote ang apat na kalalakihan at mapatay ang isa nilang kasamahan sa isinagawang pagsalakay ng pulisya na pinaniniwalaang pinagkukutaan ng mga teroristang kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal kahapon ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang napatay na si Mohammad Utto, habang naaresto naman ang mga kasama nitong sina Badrodin Anguto, 22; Sanjali Utto, Alimodin Abdullah, 40; Jukarnin Utto, 24; pawang miyembro ng breakaway group ng MILF habang sugatan naman sa nasabing engkwentro si Private 1st class Christopher Bulobong.
Bandang alas-4:30 ng umaga nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) at Rizal PNP, ang pinagtataguan ng mga suspek sa Sitio Lupang Arienda, Barangay Sta. Ana matapos na makatanggap ng impormasyon mula sa ilang residente.
Napag-alamang nakakuha ng search warrant na ipinalabas ng Antipolo Regional Trial Court at Taytay Municipal Trial Court kaya isinagawa ang raid, subalit nakatunog ang mga suspek kaya nagkaroon ng halos isang oras na palitan ng putok ang magkabilang grupo.
Napilitang sumuko ang mga suspek nang maramdamang hindi nila kaya ang puwersa ng gobyerno habang isa sa mga ito ang nakatakas na nakilalang si Khagi Aron.
Nakumpiska sa kuta ng mga suspek ang ibat ibang uri ng pampasabog, blasting caps, baril at mga bala nito na pinaniniwalaang gagamitin sa paghasik ng kaguluhan sa ilang bahagi ng Maynila.
Kasalukuyang nakaditine ang mga naarestong suspek sa CIDG sa Camp Crame habang isinasailalim sa interogasyon.
Samantala, mariing itinanggi kahapon ng liderato ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na dating kasapi ng Special Operations Group (SOG) ang mga nasakoteng suspek at napatay na bandido.
Sinasabing ang mga suspek ay lumipat na sa grupo ng mga bandidong Abu Sayyaf Group na may ugnayan sa Jemaah Islamiyah (JI) terrorist at siyang nagmamantine ng sleeper cells sa National Capital Region na nagbabalak maghasik ng terorismo. (Dagdag ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am