2 alkalde sa bayan ng Jaen
February 1, 2007 | 12:00am
NUEVA ECIJA Lumalabas na dalawa ang alkalde ngayon sa bayang ng Jaen makaraang tumangging bumababa sa puwesto si acting Mayor Santiago "Santi" Austria na pinanumpa ng Department of Interior and Local Government (DILG) kapalit ni suspended Mayor Antonio Esquivel.
Napag-alamang hinihintay pa ni Austria ang opisyal na pahayag mula sa kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) bago pabalikin sa munisipyo ang suspendidong si Mayor Antonio Prospero Esquivel.
Nabatid na kamakalawa ay nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Court of Appeals (CA) na pumipigil sa suspension order ng Office of the Ombudsman na ipinatupad ng DILG laban kay Mayor Esquivel.
Tatagal ng 30-araw ang nakuhang TRO ni suspended Mayor Esquivel na nilagdaan ni Associate Justice Lucenito Tagle ng 2nd Division ng Court of Appeals.
Sinuportahan naman ng 27 barangay chairmen ang pagbabalik ni Mayor Esquivel sa kanyang puwesto. Samantala, sinabi naman ni Nueva Ecija Governor Tomas N. Joson III na dapat ipatupad ang kautusan ng Court of Appeals upang maiwasan ang pagkalito at kaguluhan sa bayan ng Jaen. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am