^

Probinsiya

Drug den ni-raid: 10 tulak arestado

-
CAMP AGUINALDO — Sampu-katao na pinaniniwalaang notoryus na tulak ng droga ang nasakote ng mga alagad ng batas sa isinagawang pagsalakay sa itinuturing na drug den sa Barangay Camantiles, Urdaneta City, Pangasinan kamakalawa ng hapon.

Sa bisa ng anim na search warrant na ipinalabas ng korte, sinalakay ng pinagsanib na mga elemento ng Regional Office 2, Special Operations Group ng PNP-Urdaneta City, 107th Provincial Mobile Group, PNP-Mangaldan sa pamumuno ni P/Senior Supt. Jun Valerio, hepe ng Regional Anti- Illegal Drugs-Special Operations Task Force (RAID-SOTF) ang nasabing drug den.

Ayon kay P/Chief Supt. Leopoldo Bataoil, director ang Police Regional Office1, kabilang sa mga nasakoteng suspek ay tinukoy sa mga alyas na Engineer de Leon Banisel, Kalifa Banisel, Muhammad Ali, Nora Sultan, Arimao Badron, Omar Baguan, Manan Sultan, Jun, Rukma at isa pang ’di natukoy ang pangalan.

Nasamsam sa mga suspek ang mga plastic sachets na naglalaman ng shabu, paraphernalia, 34-piraso ng cal. 45 pistol, mga bala ng cal. 22 at P9, 600 na pinaniniwalaang kinita sa shabu. (Joy Cantos)

ARIMAO BADRON

BARANGAY CAMANTILES

CHIEF SUPT

DRUGS-SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

JOY CANTOS

JUN VALERIO

KALIFA BANISEL

LEON BANISEL

LEOPOLDO BATAOIL

MANAN SULTAN

URDANETA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with