^

Probinsiya

26 pulis na alalay ng pulitiko sinibak

-
CAMP AGUINALDO — Dalawampu’t anim na alagad ng batas na nakatalaga sa iba’t ibang presinto sa Abra ang sinibak sa puwesto makaraang matukoy na nagsisilbing alalay ng mga pulitiko, ayon sa mga opisyal kahapon.

Sa report ng tagapagsalita ng Cordillera Administrative Region Police Office na si P/Supt. Joseph Adnol, ang pagsibak sa mga pulis na tumatayong alalay ng mga politiko ay ipinag-utos ng Regional Police Office na pinamumunuan ni P/Chief Supt. Raul Gonzales upang maiwasang makisawsaw sa pulitika ang mga alagad ng batas kaugnay ng nalalapit na eleksyon sa May 14 ng taong ito.

"It can be recalled that the power of the local executive over policemen in Abra was suspended, yet these politicians still impose their influence to the local police to their personal aggrandizement," pahayag pa ni Adnol.

"The relief of these policemen was also in preparation for the forthcoming elections to prevent politicians from using these policemen in their campaign sorties," giit pa ni Adnol na tumangging tukuyin ang mga pangalan ng mga pulis na nangalaga sa mga pulitiko sa Abra.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Adnol na isa sa mga dahilan kung bakit magulo ang eleksyon sa Abra ay bunga ng maruming istratehiya ng mga pulitikong kandidato na sangkot sa vote buying sa tuwing halalan.

"The process of vote buying is rampant in Abra. A politician sends his coordinator in a barangay and distributes money to any qualified voter and in return their names are listed for reference and consumption of the politicians," dagdag pa ni Adnol. Kaugnay nito, inihayag pa ng opisyal na mahaharap sa kaukulang kaparusahan ang mga pulis sa rehiyon ng Cordillera na makikisawsaw sa pulitika sa darating na May 14 elections. (Joy Cantos)

ABRA

ADNOL

CHIEF SUPT

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION POLICE OFFICE

JOSEPH ADNOL

JOY CANTOS

KAUGNAY

RAUL GONZALES

REGIONAL POLICE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with