^

Probinsiya

2 katao timbog sa gun ban

-
LUCENA CITY – Pinaigting ng mga alagad ng batas sa Lucena City ang gun ban ng Commission on Elections (Comelec) makaraang masakote ang dalawang sibilyan na may bitbit na baril kamakalawa. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang dalawang dinakip na sina Romeo Tarranco, 40, ng Alpsville 3, Barangay Ibabang Dupay at Virgilio Manuel Jr., 40, security guard ng Watchman Security Agency at stay-in sa Dalahican Fishing Port. Ayon sa hepe ng pulisya na si P/Senior Supt. Reuben Theodore Sindac, inaresto ng mga operatiba ng SWAT si Tarranco makaraang ireklamo ito ng panunutok ng baril sa isang 16-anyos na si Mark de Vera, samantalang si Manuel naman ay dinakip habang nakikipag-inuman ng alak sa nasabing hotel na may nakasukbit na baril sa baywang. (Tony Sandoval)
Tanod dinedo ng mag-ama
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City
– Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang isang 47-anyos na barangay tanod ng mag-amang senglot sa isa na namang karahasan sa Sitio Tawag, Barangay Sibao sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang pinaslang na biktima na si Bienvinido Opena ng Barangay Camuning, Calabanga, Camarines Sur. Tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Edmundo Balbastro Sr. at Edmundo Balbastro Jr. Base sa ulat ng pulisya, nagkasagutan ang biktima at mga suspek habang magkasamang nag-iinuman ng alak. Bandang alas-10 ng gabi nang magpaalam ang biktima sa mga kainuman at habang naglalakad papauwi ay hinarang ng mag-ama at pinagtulungang paslangin. (Ed Casulla)
Tinedyer na binihag at ibinugaw ng mag-ina nakatakas
BATAAN
– Isang menor-de-edad na babae na pinaniniwalaang ikinulong ng mag-ina sa loob ng 20-araw saka ibinugaw sa iba’t ibang lalaki ang himalang nakatakas kamakalawa sa Hermosa Heights Barangay Culis sa bayan ng Hermosa, Bataan. Ang mag-inang suspect na kasalukuyang nakapiit ay kinilala ni P/Senior Supt Odelon Ramoneda, na sina Dolores Villanueva, 31 at anak nitong si Jelly Ann Villanueva. Sa imbestigasyon ni PO1 Saldy Rubio ng Provincial Intelligence and Investigation Branch, nahikayat ang biktima na sumama kay Jelly Ann dahil sa trabahong ibibigay noong Enero 8, 2007. Sa loob ng 20-araw ay ibinugaw ang biktima sa iba’t ibang lalaki at binantaan ng mag-ina na papatayin kung tatangkaing tumakas. Ayon kay PO2 Larry Dar, nakatakas lamang ang biktimang 17-anyos nang tulungan ng isang lalaki na naging kliyente nito. Agad na dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktima kasama ang ilang kamag-anak. (Jonie Capalaran)

AYON

BARANGAY CAMUNING

BARANGAY IBABANG DUPAY

BARANGAY SIBAO

BIENVINIDO OPENA

CALABANGA

CAMARINES SUR

DALAHICAN FISHING PORT

DOLORES VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with