Asawa ng bokal itinumba
January 30, 2007 | 12:00am
CATBALOGAN, Samar Umalagwa na naman ang karit ni kamatayan sa bahaging sakop ng bayan ng Catbalogan, Samar matapos na barilin at mapatay ng dalawang maskaradong lalaki ang asawa ng bokal kahapon ng umaga.
Ang biktimang si Dominador De Luna, kawani ng National Food Authority ay nasapol ng bala ng baril sa ulo habang naglalakad sa panulukan ng Del Rosario Street at Curry Avenue sa harapan ng Times Department Store.
Agad na tumakas palayo sa crime scene ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo patungo sa direksyon ng St. Marys College, base sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Benedicto Añover.
Ayon kay P/Chief Supt. Eliseo Dela Paz, Eastern Visayas police regional director, ang 50-anyos na biktima at misis nitong si 2nd District Board Member Concepcion "Dayday" De Luna ay humahawak ng sensitibong posisyon sa militanteng grupo na Bayan Muna at Gabriela sa Samar.
Hindi naman makumpirma ni Dela Paz kung may kaugnayan sa nalalapit na eleksyon ang pamamaslang kay De Luna dahil nagsisimula pa lamang ang imbestigasyon.
Dinispatsa na kahapon ang karagdagang 125 pulis mula sa PNP Regional Mobile Group para ikalat sa nasabing bayan na ngayon ay nasa red alert, ayon kay P/Senior Supt. Asdali Abah, Samar provincial director.
Napag-alamang ikatlong insidente ng pamamaslang ang naganap kay De Luna kung saan si Agusto Daclitan ng Alliance of Nationalism and Democracy ay pinaslang sa harapan ng kapitolyo ng Catbalogan may ilang araw pa lamang ang nakalipas habang si Daram Mayor Benito Astorga naman ay pinatay noong nakaraang linggo. (Maricel Castillo at Miriam Desacada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended