Kinilala ni Bataoil ang suspek na si Jessie Pepino alyas James Villacorta, nagsisilbi ring ransom negotiator ng nasabing KFR gang.
Ayon kay Bataoil, si Pepino ay naaresto ng mga operatiba ng Police Anti-Crime Emergency Response (PACER), Regional Intelligence and Investigation Division sa pangunguna ni Supt. Marlo Chan, Regional intelligence group chief at Pangasinan Police Provincial Office sa pamumuno ni Sr. Supt. Allan Purisima bandang alas-dose ng tanghali habang nagpi-picnic sa kanyang pamilya at kaibigan sa Fatima Beach Resort sa Bolinao bunga ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ester Veloso ng Municipal Trial Court sa Lapu-Lapu City. Siya ay may patong sa ulo na P300,000.
Ang Pepinos group umano ay responsable sa kidnapping nina Anita Ching noong Oct. 18, 1998 sa Quezon City, Edward Tan noong June 28, 1997 sa Parañaque City, Reagan King noong October 21, 1998 sa Mandaue City; Joshua Ferias noong Jan. 27, 2006 sa Las Piñas City; Enrique Carlos noong Oct. 9, 2005 sa Parañaque City; Anton Yang noong Feb. 24, 2006 sa QC; Santos Nang Si noong April 12, 2006 sa QC; Dianne at Jo Ann Uy noong March 21, 2006 sa Mandaluyong City, Yuka Furuya noong Oct. 26, 2006 sa Muntinlupa City; Kenneth Mark Jade Reyes noong Nov. 10, 2006 sa Tagum City; John Paul Rivas noong Sept. 18, 2006 sa Masbate City; Jazmine Perez noong Dec. 21, 2006 sa Tagum City din; Wang Shi Bao noong July 6, 2006 sa Malabon City at Mark Lester noong August 29, 2006 sa Caloocan City. (Myds Supnad)