Galing sa hearing: Abogado utas sa ambush
January 28, 2007 | 12:00am
CAMP CRAME Isang abogado ang nasawi makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin na hinihinalang mga hired killers habang paalis na sa bisinidad ng Provincial Hall of Justice matapos na dumalo sa paglilitis sa lalawigan ng Sorsogon nitong Biyernes ng hapon.
Kinilala sa report ni Sorsogon Provincial Director Sr. Supt. Joel Regondola ang biktima na si Atty. Dennis Valencia, anak ni dating Sorsogon Judge Mirafe Valencia.
Kasabay nito sinabi ni Regondola na hinihinala niyang illegal drug trade ang motibo ng krimen dahilan si Valencia ay abogado ng dalawang drug suspect na nililitis ang mga kaso sa Provincial Hall of Justice ng Sorsogon na dinaluhan nito ilang minuto bago naganap ang krimen.
Ayon sa opisyal, bandang alas- 3:30 ng hapon habang paalis na si Valencia sa bisinidad ng nasabing korte nang pagbabarilin ng mga armadong salarin na sakay ng motorsiklo.
Sunud-sunod na putok ang umalingawngaw hanggang sa bumaligtad ang biktima.
Bago ang krimen ay nakakatanggap na umano ng death threats ang biktima bunga ng mga kasong hawak nito sa dalawang naarestong drug pushers na sina Rene Bolanios at Emmanuel Sta. Ana.
Narekober naman sa pinangyarihan ng krimen ang anim na basyo ng cal. 45 pistol na siyang ginamit sa pamamaslang. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended