^

Probinsiya

Trader itinumba sa mall

-
CAMP CRAME – Isang 39-anyos na negosyante ang nasawi habang sugatan naman ang pamangkin nito matapos pagbabarilin ng isang lalaking kaaway umano nito sa negosyo matapos ang mainitang pagtatalo sa Centermall ng Brgy. Talampas sa San Carlos City kamakalawa.

Kinilala ni San Carlos City Police Chief Supt. Ricardo de la Paz ang biktima na si Concepcion Lerio, may-ari ng San Carlos City Drug Testing na nagtamo ng tama ng bala sa ulo habang nilalapatan ng lunas sa San Carlos City Hospital ang pamangkin nito si Jayson Ybañez, 30, isang medical technologist matapos na magtamo ng tama ng bala sa katawan. Pinaghahanap na ang suspek na nakilalang si Theodoro Pardillo, 24.

Ang insidente ay nag-ugat sa matinding alitan ng biktima at ni Pardillo sa negosyo kung saan ang huli ay empleyado sa Espeditus Drug Testing na kakumpetensya naman ng negosyo ng nasawi sa lungsod.

Dala ng suspek ang cal. 38 revolver na ginamit nito sa pamamaslang nang siya ay tumakas. (Joy Cantos)

vuukle comment

BRGY

CENTERMALL

CONCEPCION LERIO

DRUG TESTING

JAYSON YBA

JOY CANTOS

SAN CARLOS CITY

SAN CARLOS CITY HOSPITAL

SAN CARLOS CITY POLICE CHIEF SUPT

THEODORO PARDILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with