48-katao timbog sa illegal fishing
January 26, 2007 | 12:00am
BATAAN Aabot sa apatnaput walong mangingisda ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Bataan PNP Anti-Illegal Fishing Task Force, Bantay Dagat at Provincial Agriculturist Fishiries Division makaraang maaktuhan sa isinagawang illegal fishing sa karagatang sakop ng Barangay Mabayo sa bayan ng Morong at Mariveles, Bataan kamakalawa. Ayon kay P/Senior Supt Odelon Ramoneda, Bataan provincial director, ang mga suspek ay nangingisda sa may ipinagbabawal na 15 kilometro municipal ordinance danger zone at gumagamit pa ng mga pinong lambat. Nakumpiska sa mga suspek ang anim na cooler naglalaman ng mga isdang tumitimbang na 40 kilo bawat isa at nagkakahalaga ng P10,800. "Maganda ang kampanya ng lalawigan ng Bataan laban sa illegal fishing kung saan dalawang bangka na may lulang 38 mangingisda ang dinala sa Camp Tolentino headquarters para masampahan ng kaukulang kaso kasama na rito ang 10 mangingisda na nahuli sa Mariveles," pahayag ni Bataan Governor Enrique Garcia Jr. (Jonie Capalaran)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended