Napuruhan sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Mayor Benito Astorga y Bucatcat, na idineklarang patay sa Saint Paul Hospital sa Tacloban City dahil sa limang tama ng bala sa katawan.
Batay sa report ni P/Senior Supt. Asdale Abah, Samar provincial police director, ganap na alas-2 ng madaling-araw nang lapitan si Mayor Astorga ng mga armadong kalalakihan at isagawa ang brutal na krimen habang nakaupo sa nasabing okasyon.
Nabatid na ang bayan ng Daram sa Samar ay kabilang sa talaan ng pulisya na ikinokonsiderang hot spot sa tuwing magdaraos ng eleksyon sa bansa.
"Even before I was a provincial director, I had been receiving reports about whats happening in Daram," dagdag pa ni Abah.
Kaugnay nito, ipinag-utos na ni Abah ang masusing imbestigasyon kung saan ang pangunahing motibo ng krimen ay pinaniniwalaang may kinalaman sa pulitika.
Magugunita na noong 1997, si Astorga ay nakasuhan ng arbitrary detention kaugnay ng sigalot nito sa Environment Department operatives laban sa illegal logging. Gayon pa man, noong 2004 ay inabsuwelto ng Korte Suprema ang alkalde sa nasabing kaso.