^

Probinsiya

Political killing nagsimula na...: Mayor sa Samar itinumba

- Nina Maricel Castillo At Joy Cantos -
CATBALOGAN, Samar – Nagsimulang gumulong ang karit ni kamatayan sa nalalapit na 2007 eleksyon kung saan biktima ng karahasan ang isang alkade ng Daram, Samar ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang kalalakihan sa benefit dance sa Barangay Binarawan ng nasabing bayan kahapon ng madaling-araw.

Napuruhan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Mayor Benito Astorga y Bucatcat, na idineklarang patay sa Saint Paul Hospital sa Tacloban City dahil sa limang tama ng bala sa katawan.

Batay sa report ni P/Senior Supt. Asdale Abah, Samar provincial police director, ganap na alas-2 ng madaling-araw nang lapitan si Mayor Astorga ng mga armadong kalalakihan at isagawa ang brutal na krimen habang nakaupo sa nasabing okasyon.

Nabatid na ang bayan ng Daram sa Samar ay kabilang sa talaan ng pulisya na ikinokonsiderang hot spot sa tuwing magdaraos ng eleksyon sa bansa.

"Even before I was a provincial director, I had been receiving reports about what’s happening in Daram," dagdag pa ni Abah.

Kaugnay nito, ipinag-utos na ni Abah ang masusing imbestigasyon kung saan ang pangunahing motibo ng krimen ay pinaniniwalaang may kinalaman sa pulitika.

Magugunita na noong 1997, si Astorga ay nakasuhan ng arbitrary detention kaugnay ng sigalot nito sa Environment Department operatives laban sa illegal logging. Gayon pa man, noong 2004 ay inabsuwelto ng Korte Suprema ang alkalde sa nasabing kaso.

vuukle comment

ABAH

ASDALE ABAH

BARANGAY BINARAWAN

DARAM

ENVIRONMENT DEPARTMENT

KORTE SUPREMA

MAYOR ASTORGA

MAYOR BENITO ASTORGA

SAINT PAUL HOSPITAL

SAMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with