^

Probinsiya

2 militante ng Bayan Muna itinumba

-
CAMP AGUINALDO – Dalawang miyembro ng militanteng Bayan Muna party-list groups ang iniulat na pinaslang sa pagitan lamang ng dalawang oras na pinangangambahang hudyat na ng madugong scenario ng eleksyon sa naganap na karahasan sa Sorsogon kamakalawa.

Batay sa report, unang biktima ng karahasan si Ruben Ermino, 52, na pinagbabaril ng mga armadong kalalakihang sakay ng motorsiklo sa bahagi ng Barangay Tabi, Gubat, Sorsogon dakong alas-12 ng tanghali noong Martes (Enero 23).

Ganap na alas-7 ng gabi nang ratratin naman ang biktimang si Demetrio Imperial, 26, sa harapan ng misis nito at anak habang naghahapunan sa kanilang bahay sa Barangay Sogoy, Castilla, Sorsogon.

Sa talaan ng Karapatan, umaabot sa 824-kaso ng extra judicial killing ang naitala laban sa hanay ng militanteng grupo simula ng manungkulan si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2001.

Magugunita na noong Mayo 2004 elections, nakakuha ng anim na puwesto sa Kamara de Representantes ang Bayan Muna pero tatlo lamang ang pinanumpa ng Comelec dahil limitado lamang ito alinsunod sa itinatadhana ng batas. (Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY SOGOY

BARANGAY TABI

BATAY

BAYAN MUNA

CASTILLA

COMELEC

DEMETRIO IMPERIAL

JOY CANTOS

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

RUBEN ERMINO

SORSOGON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with