Konsehal ng Gapo sinuspinde ng Malacañang
January 24, 2007 | 12:00am
OLONGAPO CITY Pinatawan ng Malacañang ng anim na buwang suspensyon ang isang konsehal ng Olongapo City makaraang mapatunayang lumabas sa Section 4 ng Republic Act 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees).
Sa limang pahinang desisyon na may petsang Enero 8, 2006, ipinag-utos ni Executive Secretary Eduardo Ermita sa rekomendasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagsususpinde kay Councilor Noel Atienza, matapos ang isinagawang imbestigasyon sa reklamong isinampa ng isang kawani na hindi pinangalanan.
Base sa reklamo, binastos ng nasabing konsehal ang isang kawani ng Olongapo City Hall habang nasa telepono noong Nob. 11, 2004.
Idinagdag ng nagrereklamo na hindi iyon ang unang pagkakataon na nabastos siya ni Councilor Atienza, maging sa harap ng ibang kawani ay lantaran ang pambabastos.
Itinangggi naman ni Atienza ang mga akusasyon laban sa kanya sa isinagawang imbestigasyon ng DILG at niresbakan ang kawani na nais lamang sirain ang kanyang integridad at kredibilidad.
Sinabi ni Ermita na matapos nilang pag-aralan ang kaso ay napagtanto nila na may kasalanan ang konsehal at nararapat siyang paalalahanan na bilang public servant ay dapat maging maayos ang kanyang inaakto dahil "the motion of a public office is public trust and that he should at all times be accountable to the people."
"This office could not be oblivious of the testimonies of the complainants other witnesses such as erstwhile City Councilor of Olongapo City, Teodoro del Rosario, and a certain Haydee Manuel, an alleged paramour of the respondent, for their straightforward declarations which, unfortunately, were not properly rebutted by Councilor Atienza," ayon sa desisyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended