5 patay sa pananalasa ng dengue
January 24, 2007 | 12:00am
BAYUGAN, Agusan del Sur Umabot na sa limang sibilyan ang kumpirmadong namatay sa pananalasa ng dengue habang 82 naman ang naapektuhan na karamihan ay bata simula pa noong mga huling araw ng Nobyembre at Disyembre 2006, ayon sa ulat ng pamunuan ng municipal health.
Humingi na ng tulong ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Bayugan sa pamahalaang panlalawigan matapos na ideklarang dengue outbreak noong Biyernes ang 17-barangay sa nasabing bayan.
Kabilang sa mga barangay na matinding tinamaan ng dengue ay ang Barangay Poblacion na may apat-katao ang nasawi habang isa naman sa Barangay Charito.
Sa talaan ni Municipal Health Nurse III Helen Saligan, Disease Surveillance Coordinator, nakilala ang mga nasawi sa dengue outbreak ay sina Daisy Mae Manyo, 2, ng Barangay Charito; Ara Nicole Santiago, 6-buwan; Vincent Keith Jaranilla, 7-buwan; May Agustin Mata, 6-buwan at si Allen Jellu Sevilla, 7, na pawang residente ng Barangay Poblacion.
Kabilang naman na nasa ospital ay sina Katya Atienza, 10; mag-uutol na may apelyidong Peteros na sina Kent Joshua, 7; Jirah, 9; at Micah, 6; John Lloyd Anangilan, 6; Keana Angela Bicos, 2; Joshua Evangelio, 8; Julius Barry Chua, 4; Princess Nicole Aguilar, 12; Rae Robert Hinunganan, 11; Euro Anthony Sayon, 8-buwan; Florida Intig, 12; Eva Mae Salvero, 4; Hilario Encallado, Jr., 31, ng Barangay Magkiangkang; Paul Blanca Alvar, 21; Princess Junlo, 12; John Kenneth Tin-ay, 1; Jenevive Dumaat, 15; Miriam Galve, 18; Gae Imee Algopera, 18; Alicia Banac, 42; Dave Grace Baganinao, 17; at si Maritess Jale, 7.
Ilan sa mga biktima ng dengue ay ginagamot naman sa Butuan City Medical Center at ilang ospital sa Cagayan de Oro City.
Nagpatawag na ng meeting si Bayugan, Agusan del Sur Mayor Magdalena Asis, na tumatayo ring Chairman of the Municipal Disaster Coordinating kung isasailalim na sa state of calamity ang munisipalidad. (Ben Serrano)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest