^

Probinsiya

Oil spill sa sumadsad, nabutas na barko

-
LEGAZPI CITY– Isang barko ang sumadsad sa mababaw na bahagi ng karagatan na sakop ng Isla San Miguel na tinatayang may apat na milya ang layo sa Tabaco Port kamakalawa ng umaga. Ayon kay PSSupt. Herold Ubalde ang Albay PNP provincial director, dakong alas-8 ng umaga habang ang M/V Accord ng Matsya Shipping Corporation na ino-operate ni Alfonso Canancia ay sumadsad sa mababaw na bahagi ng naturang karagatan sa limang metro na lalim ng tubig sanhi upang mabutasan at tumagas naman ang langis nito.

Kagaad naman na humingi ng saklolo ang kapitan ng barko sa isang barkong M/V Friendship XIV na napadaan sa lugar. Hinila ang tumagas na barko patungo sa Port ng Tabaco. Ayon sa Phil. Coast Guard (PCG), ilang litro din ang iniluwa ng barko at tinatayang 200 metro sa karagatan ang haba ng oil spill. Nagsasagawa na ng aksyon ang PCG, kinatawan ng Tobaco PNP at DENR upang matanggal ang oil spill. (Ed Casulla)

vuukle comment

ALFONSO CANANCIA

AYON

COAST GUARD

ED CASULLA

HEROLD UBALDE

ISLA SAN MIGUEL

MATSYA SHIPPING CORPORATION

TABACO PORT

V ACCORD

V FRIENDSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with