Ganap na alas-4:30 ng hapon noong Biyernes ay pinauwi na ni Mayor Esquivel ang mga supporters matapos na hindi dumating ang hinihintay na temporary restraining order (TRO) mula sa korte at tuparin ang binitiwan nitong salita noong Martes.
Pinuri naman ng pulisya at ng Department of Interior and Local Government officials (DILG) na nag-implementa ng dismissal order ng Ombudsman ang ginawa ni Mayor Esquivel dahil naiwasan ang posibleng kaguluhan tulad sa Iloilo Provincial Capitol.
Inakusahan naman ni Mayor Esquivel na si Nueva Ecija 4th District Rep. Rodolfo "Rody" Antonino, ang nasa likod ng kasong isinampa laban sa kanya.
Nanumpa naman si Vice Mayor Santiago "Santi" Austria, bilang acting mayor at Councilor Arsenia Javate, bilang vice mayor sa harap nina DILG Regional Director Josefina Castillo-Go, Senior Supt. Allen Bantolo, DILG Provincial Director Abraham Pascua, at isang kinatawan mula sa opisina ng PNP Region 3 office matapos na hindi makasama si Chief Supt. Ismael Rafanan.
Matatandaang sinuspinde ng Ombudsman si Mayor Esquivel dahil iligal na pagkakadismiss ng tatlong board of directors ng Jaen local water district noong 2004. (Christian Ryan Sta. Ana)