Mayor, vice mayor sa Aurora sinuspinde
January 21, 2007 | 12:00am
DINALUNGAN, Aurora Sinuspinde ni Governor Bellaflor Angara-Castillo ng anim na buwan ang mayor at vice mayor ng bayan ng Dinalungan, Aurora dahil sa kasong gross misconduct, dishonesty, gross negligence at abuse of authority na isinampa ng pamunuan ng Industries Development Corp noong Mayo 10, 2006.
Ang suspensyon na inirekomenda ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Annabelle Tangson ay ipinataw kina Mayor Marilyn Marquez at Vice Mayor Virgie Callejo.
Sina Mayor Marquez at Vice Mayor Callejo ay nauna ng sinuspinde ng 60 days upang hindi maka-impluwensya sa isinasagawang imbestigasyon ng kaso, ayon pa kay Tangson.
Ang suspensyon sa dalawang opisyal ng lokal na pamahalaan ay isinilbi ng provincial director ng Department of Interior and Local Government (DILG) na si Flordeliza Trinidad at pinanumpa naman si Harvey Tubera bilang acting mayor.
Tinanggap naman ni Mayor Marquez ang desisyon ng gobernador upang maiwasan ang tensyon mula sa munisipyo.
Nag-ugat ang suspensyon mula sa reklamo ng IDC na pinangunahan ni Felmin Lazaro makaraang ipasarado ng mga nasabing opisyal ang national road na naging dahilan upang ang lahat ng motorista ay dumaan sa municipal road para mangulekta ng fees na aabot sa P50 hanggang P100 kada sasakyan base na rin sa ipinasang ordinansa ng lokal na pamahalaan ng Dinalungan.
Sinabi ni Mayor Marquez na ang desisyon ng SP at nasabing gobernador ay malaking pagkakamali base na rin sa road users fee na nakalagay sa Ordinance 2004-019.
Sa panig namam ni Medel Chua, district engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang ordinansa na sinasabi ni Mayor Marquez ay iligal at constitutes double taxation.
Iginiit naman ni Marquez na ang ordinansa ay sumasakop sa municipal road at ang lokal na pamahalaan ay awtorisadong pangolekta ng kaukulang halaga para mapangalagaan ang kalsada.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended