Mag-syota naabo
January 20, 2007 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Hanggang kamatayan ay magkasamang nasawi ang mag-syota makaraang masunog ang P250 milyong ari-arian na tumupok sa isang gusali sa Cagayan de Oro City, kamakalawa ng madaling-araw.
Ganap na alas-3 ng madaling-araw nang magsimulang kumalat ang apoy sa isang gusali sa Zone 7, Acacia Extension sa Barangay Carmen ng nasabing lungsod.
Kinilala ng pulisya ang magkasintahang naabo na sina Emma Sagario, isang bar examinee, 28; at nobyo nitong si Gilbert Barsuela, 27.
Si Sagario, ay positibong kinilala ng kaniyang ina base sa ilang alahas sa katawan.
Narekober ng mga awtoridad sa pinakamataas na palapag ng gusali at inilagak na ang kanilang mga labi sa Bollozo Funeral Homes.
Napag-alamang si Sagario na residente ng Iligan City ay naghihintay na lamang ng resulta ng bar exam kasama si Barsuela na nagrenta sa isang kuwarto sa nasunog na gusali noong nakalipas na Disyembre 2006.
Ayon sa mga bombero, karamihan sa nakatira sa nasabing gusali ay mga estudyante na nagbo-board exam at ang apoy na pinaniniwalaang sanhi ng short circuit na nagmula sa kuwarto ni Felicilda Talampas sa ikalawang palapag.
Lumilitaw pa sa imbestigasyon na naka-padlock ang kuwartong pinagmulan ng apoy dahil nagbabakasyon sa Amerika si Talampas. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest