^

Probinsiya

2 NPA bulagta sa entrapment

-
NUEVA ECIJA – Dalawang rebeldeng New People’s Army ang iniulat na nasawi habang dalawang iba pa ang nadakip sa isinagawang entrapment operation ng pulisya sa tulay ng San Carlos-Sta. Isabel sa bayan ng Cabiao, Nueva Ecija noong Linggo, Enero 14. Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Nelson Mesina y Nucup, alyas "Ka Bless," at si Oscar Dion y Natividad, alyas "Ka Saldy." Naaresto naman sa follow-up operation ng pulisya at militar sina Ricardo "Ka Odeng" Abunda y Amurorot at Reynaldo dela Cruz y Tumpalan. Sa ulat ni P/Supt. Elsa Miranda, hepe ng pulisya sa Cabiao, naaktuhang nangingikil ng P.3 milyon ang mga suspek sa isang opisyal ng simbahan matapos ang operasyon. Napag-alamang nakipagbarilan ang mga rebelde sa mga awtoridad hanggang sa mapatay ang dalawa. Narekober sa mga rebelde ang isang 12-gauge shotgun, 1 paltik na baril, 3 celfone at sasakyan ng mga rebelde. (Christian Ryan Sta. Ana)
3 dedo sa road mishap
NUEVA ECIJA — Tatlong kalalakihan ang iniulat na namatay makaraang sumalpok ang motorsiklo ng mga biktima sa kasalubong na trak sa Maharlika Highway sa Barangay Pinagpanaan, Talavera, Nueva Ecija noong Martes ng umaga. Kabilang sa mga nasawi ay sina Gener Dizon y Duldulao, 35; Jeffrey Lacanilao y Lagro, 30; at si Agapito Benedicto y Lucas, 29. Ayon kay PO3 Eduardo Tango, nakasalpukan ng Isuzu 10-wheeler truck (RAN-501) ni Antonio Ramos y Agnes, 35; ang motorsiklo (CO-9898) na minamaneho ni Gener Dizon. Patungo sa direksyon ng timog ang motorsiklo nang umoberteyk ito sa isang sasakyan at nasalpok ang paparating na trak. Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng trak. (Christian Ryan Sta. Ana)
 Assassination attempt vs governor pinabulaanan
Mariing pinabulaanan ni Eastern Samar Gov. Ben Evardone ang napaulat na tangkang asasinasyon sa kanyang buhay dahil sa nalalapit na halalan sa Mayo. "This certainly is a tall tale being spread by some guarters for whatever vile purpose they may have in mind ahead of the official campaign period," pahayag ni Evardone tungkol sa napaulat sa pahayagang ito tungkol sa pagpapasabog sa isang restaurant sa bayan ng Taft kung saan siya malimit kumain. Ayon sa ulat ng pulisya, itinanim ang granada sa isang gasoline-filled soft drink can habang ang nasbing opisyal ay patungo sa Boston Food Stop mula sa simbahan. Pinaiimbestigahan naman ni Evardone ang insidente. Napag-alamang nai-ere na rin sa ilang lokal na estasyon ng radyo ang naganap na pangyayari at naglabasan na rin sa ilang lokal na pahayagan sa Samar.

AGAPITO BENEDICTO

ANTONIO RAMOS

AYON

BARANGAY PINAGPANAAN

BEN EVARDONE

CHRISTIAN RYAN STA

GENER DIZON

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with