Kabilang sa mga biktima na namatay ay kinilalang si Faustino Pungcol, habang inaalam pa ang pangalan ng iba pa sa mga sinawimpalad sa trahedya.
Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-8 ng gabi nang biglang dumagundong at kasunod nito ay gumuho ang bundok na tumabon sa mga kabahayang nasa ibaba nito na ikinasawi ng mga biktima.
Napag-alamang aabot naman sa P140 milyon ang kailangang pondo ng DPWH para sa rehabilitasyon ng mga nasirang kalsada at tulay sa nasabing rehiyon.
Samantala, naapektuhan naman ang 266 barangay sa buong rehiyon dahil sa patuloy na buhos ng ulan simula pa noong Enero 2.
Naitala naman sa kabuuang 211, 869-katao (47,766 pamilya) ang naapektuhan ng kalamidad. (Joy Cantos)