Kasalukuyan pang bineberipika ang pagkikilanlan ng mga napatay na terorista na itinuro ng mga testigo na pangunahing nasa likod ng pambobomba noong Disyembre 2006 na ikinamatay ng dalawang sibilyan habang pito pa naman ang nasugatan.
Sa ulat ni Army Chief Lt. Gen. Romeo Tolentino, dakong alas-2:20 ng hapon nang makasagupa ng mga elemento ng Task Force Talakludong sa pamumuno ni Col. Restituto Aguilar at Armys 75th Infantry Battalion (IB) ni Lt. Col. Paul Atel ang mga suspek.
Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang militar hinggil sa presensya ng mga suspek na kinukubra ang perang nakotong sa ilang negosyante sa lugar nang maabutan ng militar.
Agad namang tumalilis ang mga suspek, subalit hinabol ng mga sundalo na nauwi sa mainitang bakbakan na tumagal ng ilang minuto hanggang sa mapatay ang dalawa na pinaniniwalaang kaalyado ng Jemaah Islamiyah terrorist.
Narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ang dalawang baril at isang kulay asul na motorsiklo na gamit ng mga suspek sa modus operandi. (Joy Cantos)