^

Probinsiya

Recto, nanumpa bilang gobernador

-
Tuluyan nang nanumpa kahapon sa tanggapan ng Department of Interior and Local Government (DILG) bilang gobernador ng Batangas si dating Vice Governor Richard Recto.

Sa isang press conference kahapon, sinabi ni Recto, na bagamat wala na sa kanyang dating puwesto si ex-Gov. Arman Sanchez, hindi pa rin tuluyang nawawala ang ‘bangungot’ sa nasabing lalawigan dahil marami pa rin dapat na ayusin kabilang ang pinansiyal, audit at mga kawani ng munisipyo ng lalawigan.

Ipinayo rin ni Recto sa mga tagasuporta ni Sanchez na sumunod na lamang at gawin ang nararapat dahil kung siya ang tatanungin ay hindi siya magtatayo ng anumang barikada o anumang pagsasara ng mga daanan.

Napag-alaman na papalit kay Recto bilang bise governador ay ang pamangkin ni dating Batangas governor Tony Leviste na si Mark Leviste. (Doris Franche) 

ARMAN SANCHEZ

BATANGAS

DORIS FRANCHE

IPINAYO

MARK LEVISTE

NAPAG

SANCHEZ

TONY LEVISTE

TULUYAN

VICE GOVERNOR RICHARD RECTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with