^

Probinsiya

4 obrero ginulpi ng mga pulis

-
CAMP AGUINALDO — Umiral na naman ang asal-hayop sa hanay ng kapulisan matapos na pagtulungang gulpihin ang apat na obrero ng pitong pulis sa inilunsad na "Oplan Bakal" na ipinatutupad ng Comelec sa bansa sa isinagawang operasyon sa Silay City, Negros Occidental, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang mga biktimang gulpi-sarado ng mga pulis na sina Mark John, Wescelao na kapwa may apelyidong de la Cruz; George Aquino at si Ian Cajurao na pawang residente ng Sitio Binalutan, Barangay 20, Victorias City.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Calixto Mabugat, provincial police director, pinaiimbestigahan na niya ang kaso upang matukoy kung sinu-sino sa kaniyang mga tauhan ang sangkot sa insidente.

Ayon sa salaysay ni Maricel de la Cruz, asawa ng biktimang si John nabatid na nag-iinuman sa LA Refreshment ang kaniyang mister at mga kasamahan nitong obrero sa tabi ng isang gasolinahan sa kahabaan ng national highway sa Silay City nang dumating ang mga operatiba ng pulisya na animo’y hayok sa bangasan ng mukha.

Walang pasintabing kinapkapan ng mga pulis ang mga obrero kung saan nakumpiska mula kay John ang isang balisong kaya ginulpe ito at nang sumaklolo ang tatlo pa nitong kasamahan ay napagdiskitahan ring gulpihin. Wala naman nakuhang baril ang mga pulis sa mga biktima at agad na iniwan at hindi man lamang inihatid sa pinakamalapit na ospital. (Joy Cantos)

CALIXTO MABUGAT

CRUZ

GEORGE AQUINO

IAN CAJURAO

JOY CANTOS

MARK JOHN

NEGROS OCCIDENTAL

OPLAN BAKAL

SILAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with