Kampo ng ASG nakubkob ng AFP
January 17, 2007 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Nakubkob ng tropa ng militar ang isang malaking kampo ng lokal na teroristang Abu Sayyaf Group (ASG), isa ang napaslang na bandido habang tatlo naman ang nasugatan kabilang ang Spokesman ng mga ito sa strike operation ng militar sa kabundukan ng Talipa, Sulu kahapon ng umaga.
Ayon kay AFP-PIO Chief Lt. Col. Bartolome Bacarro, dakong alas-9:45 ng umaga nang lusubin ng Armys 8th Infantry Battalion (IB) Special Forces Company (SFC) sa pamumuno ni Lt. Mejares sa mabundok na Mt. Dajo, Talipa.
Kinilala ni Bacarro ang nasugatang Sayyaf Spokesman na si Abu Solaiman, may patong sa ulong $5 milyon na inilaan ng Estados Unidos habang ang dalawa pa sa mga nasugatan ay mula naman sa mga sundalo ng pamahalaan.
Gayunpaman, kasalukuyan pang inaalam ang pangalan ng napaslang na bandido ng mga nagsitakas nitong kasamahan.
Narekober sa lugar ang mga kagamitan sa paggawa ng bomba kabilang ang mga blasting caps at testers. Nagpapatuloy naman ang hot pursuit operations ng militar laban sa nagsitakas na mga bandido. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended