^

Probinsiya

Barangay chair inambus, patay!

-
SAN JUAN, Batangas – Namatay agad mula sa isang tama ng bala sa dibdib ang 33-anyos na barangay chairman matapos umanong tambangan at pagbabarilin ng mag-ama na matagal na nitong kaaway sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Batangas Police Director Senior Supt. Edmund Zaide ang biktimang si Edgardo Reuta, 33, residente at chairman ng Brgy. Ticalan sa naturang bayan.

Ayon sa report, bandang alas-10 ng gabi, naglalakad papauwi ang biktma galing sa isang inuman nang harangin ng mag-amang sina Jesus Sora Sr. at ang anak nitong si Jesus, Jr., pawang mga residente ng nabanggit na barangay.

Nagtamo ng mga tama ng bala mula sa kalibre 9-mm ang biktima na naging sanhi ng kanyang agad na kamatayan.

Ayon kay Chief Insp. Jonathan Tangonan, San Juan Police chief, naaresto nila agad si Jesus Sora Jr., habang nakatakas at pinaghahanap pa ng kanyang mga tauhan ang ama nitong si Jesus Sr.

Matagal na umanong may alitan sa pagitan ng batang Sora at biktima na nagbunsod sa mga suspek na pagplanuhang patayin ang biktima, ayon sa pulisya. (Arnell Ozaeta At Ed Amoroso)

vuukle comment

ARNELL OZAETA AT ED AMOROSO

AYON

BATANGAS POLICE DIRECTOR SENIOR SUPT

CHIEF INSP

EDGARDO REUTA

EDMUND ZAIDE

JESUS SORA JR.

JESUS SORA SR.

JESUS SR.

JONATHAN TANGONAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with