^

Probinsiya

Brgy. kagawad niratrat patay

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi CityIsang incumbent barangay kagawad ang nasawi matapos na pagbabarilin ng mga ’di-nakikilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Barangay Malobago, Guinobatan, Albay. Nakilala ang biktima na si Gilberto Mostasa, 31, may asawa at residente ng naturang lugar. Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-7 ng gabi habang ang biktima ay nakaupo sa loob ng bahay na pag-aari ng isang nakilalang Guadalupe Romero na kung saan ito ay pansamantalang nakatira dahil nasira ang bahay nito ng bagyong Reming. Bigla na lamang sumulpot sa lugar ang mga armadong suspek at niratrat ang biktima na nabigo ng maisalba ang buhay sa pagamutan. Hindi pa mabatid ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng krimen habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso. (Ed Casulla)
Dismis na pulis, nahuli sa Rizal
Camp Crame
Isang dinismis na tiwaling pulis ang nasakote ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa lalawigan ng Rizal. Batay sa ulat, ang  suspek ay nakilalang si  ex-PO3 Arnel Mesa  ng  Mesa Compound, Barangay Mambog, Binangonan, Rizal. Iniulat ng PNP Rizal Office  na  agad silang nagsagawa ng operasyon  laban kay Mesa makaraang makatanggap ng mga reklamo mula sa residente sa lugar kaugnay ng illegal na pagtutulak ng droga ng suspek. Dalawang piraso ng maliit na  plastic sachet  na may shabu ang nakuha mula sa suspek. Si Mesa ay kasalukuyang nakaditine sa Rizal PNP at inihahanda na ang pagsasampa ng kaso laban dito. (Angie dela Cruz)
Ex- convict pinatay
CAVITE
Isang lalaki na ilang buwang pa lamang nakakalaya ang natagpuang patay at lulutang lutang sa isang ilog sa bayan ng Bacoor na tadtad ng mga saksak at nakagapos ang mga kamay at paa bukod pa sa nakabalot ang mukha nito ng masking tape, kahapon. Kinilala ni Police Chief Insp. Alex Borja, hepe rito ang biktima na si Kenn More Alias "Glenn Moore/Gerry Gase" nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Mambog sa bayang ito. Sa imbestigasyon ni PO2 Joel Malinao dakong alas-5:05 ng hapon ng makita ni Brgy. Kagawad Carlos Del Rosario ng Brgy. Salinas 1 ang biktima na nakalutang sa Salinas River. Nakatali  ang dalawang kamay nito at paa at nakabalot ng masking tape ang mukha na pinaniniwalaang pinatay sa ibang lugar at dito lamang itinapon upang iligaw ang imbestigasyon. Sa pagsisiyasat ng pulisya nabatid na kalalaya lamang ng biktima may ilang buwan pa lamang ang nakakalipas matapos na masangkot sa kasong theft. Inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan ang kaso nito sa pamamaslang  sa biktima. (Cristina G. Timbang)

vuukle comment

ALEX BORJA

ARNEL MESA

BARANGAY MALOBAGO

BARANGAY MAMBOG

BATAY

BRGY

ISANG

RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with