^

Probinsiya

11 minero na-trap sa tunnel, nasagip

-
Camp Aguinaldo – Matapos ang sampung oras na pagkaka-trap sa gumuhong tunnel ng minahan, masuwerteng nailigtas pa ng buhay ang labing-isang minero sa lalawigan ng Compostella Valley, ayon sa ulat kahapon.

Batay sa ulat ni Antonio Cloma, Operations Chief ng Office of Civil Defense (OCD) sa Southern Mindanao, pasado alas-6 ng gabi nitong Biyernes ng mailigtas ang mga na-trap na minero sa gumuhong tunnel ng isang minahan sa Brgy. Mainit, Nabunturan ng lalawigang nabanggit.

 Nabatid na kasalukuyang nagmimina ang naturang mga minero nang biglang gumuho ang tunnel sanhi ng paglambot na lupa sa lugar na dulot naman ng malalakas na pagbuhos ng ulan sa loob ng ilang araw.

Ayon sa salaysay ng mga minero dakong alas-4 ng madaling-araw ng nasabing araw nang ma-trap ang mga biktima sa minahan na pag-aari ng negosyanteng tinukoy sa pangalang Agri Sibusa.

Agad namang sumaklolo ang mga kasamahang minero ng mga biktima na naglagay ng hose na nakakabit sa compressor para makahinga ang mga na-trap nilang kasamahan.

 Nang mabatid ang insidente ay mabilis na nagresponde ang search and rescue team ng OCD sa nasabing lalawigan at matapos ang may sampung oras ay narekober ng buhay ang naturang mga minero.

 Kaugnay nito, nagbabala naman si Cloma sa mga mining operators na iwasan muna ang pagmimina dahilan masyado itong mapanganib ngayong malalakas ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Mindanao. (Joy Cantos)

AGRI SIBUSA

ANTONIO CLOMA

AYON

CAMP AGUINALDO

COMPOSTELLA VALLEY

JOY CANTOS

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

OPERATIONS CHIEF

SOUTHERN MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with