Dalaga, inararo ng jeep, dedo

CAVITE – Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang isang 22-anyos na dalaga makaraan itong araruhin ng isang pampasaherong jeep habang tumatawid sa kahabaan ng Aguinaldo Hi-way Brgy. Talaba 4, Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ruby Bacsafra, residente ng #420 Jarcia Cmpd. Brgy. Talaba 4 ng bayang ito.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ang driver ng jeep na nakilalang si Elmer Perez, 47, at residente ng Brgy. Talaba 4 ng bayan ding ito.

Batay sa imbestigasyon ni PO1 Ivan Legaspi may hawak ng kaso dakong alas-11:30 ng gabi habang tumatawid ang biktima sa nasabing lugar ay nahagip ito ng pampasaherong jeep na may plate no DXN-173 na minamaneho ng suspek.

Dahil sa lakas ng impact ng pagkakasalpok sa biktima ay tumilapon ito na naging dahilan ng agarang kamatayan ng dalaga. (Cristina Timbang)

Show comments