^

Probinsiya

Lalaki, sinalvage

-
CAVITE – Isang ’di pa nakikilalang lalaki ang natagpuang patay sa kahabaan ng Brgy. Pasong Buaya, Imus, Cavite na may mga tama ng saksak sa leeg at mga bala ng baril sa ulo nito kahapon ng umaga.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa din nakikilala ang biktima na tinatayang nasa edad na 30-anyos pataas, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng sandong puti, cream short pants at may tattoo ito sa kaliwang kamay na mga letrang M at N.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ganap na alas-6:00 ng umaga ng matagpuan ng ilang residente dito ang duguang bangkay ng biktima. May mga saksak ito sa leeg bukod pa sa mga tama ng bala sa ulo.

Malaki ang hinala ng pulisya na hindi residente doon ang biktima hinggil sa walang nakakakilala rito. Kasalukuyan ngayong nasa PNPCL ang bangkay ng biktima para isailalim sa awtopsiya. Narekober sa tabi ng bangkay nito ang isang pares ng tsinelas na kulay puti. (Cristina Timbang)

vuukle comment

BATAY

BRGY

CAVITE

CRISTINA TIMBANG

HANGGANG

ISANG

KASALUKUYAN

MALAKI

NAREKOBER

PASONG BUAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with