Sa report ni Sr. Superintendent Mark Edison Belarma, Regional Director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kinilala ang napatay na si PO1 Francisco Argente, nakatalaga sa CIDG Office sa Batangas at suspek na si Gregorio Ampunin, dating brgy. tanod sa nasabing bayan.
Kasalukuyan namang ginagamot si Senior Inspector Raymond Perlado, sa Our Lady of Nazareth Hospital sa Batangas City.
Sinabi ni Belarma na bandang alas-11 ng gabi nang magresponde ang mga elemento ng CIDG sa Lady Anne IV Disco Club sa Brgy. Cawit ng nasabing bayan matapos na makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa panggugulo ng mga armadong suspek sa naturang establisimyento.
Kapapasok pa lamang sa naturang videoke bar ng mga pulis ay kaagad ng sinalubong ng bala ng sindikato ng gun for hire ang dalawang pulis na ikinasawi at ikinasugat ng mga ito.
Sa kabila ng sugatan ay nagawa namang makaganti ng putok ni Perlado at napatay nito ang isa sa mga suspek habang dead-on-arrival naman si Argente sa Taal Polymedic Hospital.
Matapos ang insidente ay mabilis na nagsitakas ang mga armadong suspek na inabandona ang kanilang kasamahang si Ampunin.
Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng pulisya ang kasong ito at patuloy rin ang manhunt operation laban sa mga nagsitakas na suspek. (Joy Cantos, Ed Amoroso At Arnell Ozaeta)