Petisyon sa SC binawi ni Maliksi
January 12, 2007 | 12:00am
Binawi ni Cavite Governor Erineo "Ayong" Maliksi ang petition nito sa Korte Suprema na humihiling na ipawalangsaysay ang desisyon ng Court of Appeals (CA) noong Abril 2, 2006 na kumakatig sa anim na buwang suspensiyon kaugnay sa P7.5M na pagbili ng bigas noong 2004.
Gayunpaman, hindi nagbigay ng ano pa mang paliwanag si Maliksi kung bakit nito binawi ang kanyang petition.
Sinabi naman ng abogado ni Maliksi na si Atty. Antonio Bautista na nais lamang ng kanyang kliyente ng "katahimikan".
"The petitioner, by and unto himself, most respectfully manifests his desistance from the further prosecution of the petition, and thus hereby prays that the same be ordered withdrawn, dismissed, or otherwise removed from the dockets of this honorable Court", ani pa rin sa petition.
Samantala, sinabi din ni Justice Secretary Raul Gonzales na maituturing na "gentleman-politician si Maliksi sa ginawa nitong pagbawi sa kanyang petition.
Una ng kinatigan ng CA ang motion for reconsideration na inihain ng Ombudsman at ni Vice Governor Juanito Victor Remulla kung saan iginiit ng mga ito na walang dahilan upang hindi ipatupad ang suspension laban kay Maliksi.
Ipinaliwanag ng korte na dapat sa Office of the Ombudsman na lamang iprisinta ni Maliksi ang kanyang mga ebidensiya dahil ito ang may hurisdiksiyon sa kanyang kaso at hindi ang CA. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended