Ayon kay Libay "Libby" Macasaet, public and media information officer ng Subicwater, iginawad sa kanilang kumpanya ang tatlong sertipikasyon matapos makapasa sa international quality standards na itinakda ng TUV-SUD-Germany, ang pinakamalaki at respetadong award giving body sa buong mundo.
Kabilang ang nakuhang sertipikasyon ng naturang kumpanya ay ang Integrated Management System (IMS)-ISO-9001-(Quality); IMS-ISO-14001-(Environment) at IMS-OHSAS-18001-(Occupational Health and Safety) standards kung saan ang TUV-SUD-Phils., ang siyang naggawad dito.
Makaraan ang pagsunod at pagkumpleto sa lahat ng requirements ng international standards sakop ang water production, treatment at distribution with design of pipelines, ang Subicwater ngayon ay certified ISO-9001-2000 na siyang nangungunang water sewerage co. sa Pilipinas.
Ang water filtration ng Subicwater ay nakabase sa Barangay Mabayuan, Olongapo City na siyang nagbibigay ng supply ng tubig sa buong lungsod at sa kabuuan ng Subic Bay Freeport Zone (SBFZ). (Jeff Tombado)