^

Probinsiya

Pulis tinodas ng TODA prexy

-
MEYCAUAYAN CITY, Bulacan – Binaril at napatay ang isang pulis na tumatayong pangulo ng asosasyon ng traysikel ng isa ring pangulo ng asosasyon dahil lamang sa pag-aagawan sa mga pasahero sa naganap na karahasan sa Meycauayan City, Bulacan kahapon.

Napuruhan sa ulo ng bala ng baril ang biktimang si PO3 Nolasco Cabuso Dabu, na nakadestino sa Police Community Precinct 5 ng Valenzuela City at residente ng Heritage Homes sa Barangay Loma De Gato, Marilao, Bulacan.

Napag-alamang si Dabu ay tumatayong pangulo ng HERME Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa Heritage Homes ng nabanggit na barangay.

Ang suspek na nasakote ng pulisya ay nakilalang si Eddie Narciso y Nacionales, 57, ng Barangay Pajo, Meycauayan City at pangulo naman ng Sto. Niño TODA  na nakabase sa Barangay Sto. Niño sa nasabing lungsod.

Base sa inisyal na ulat ni P/Supt. Fernando Villanueva, hepe ng pulisya sa nabanggit na lungsod, nagpunta si Dabu sa Barangay Bahay Pare upang makipag-usap sa mga kapwa traysikel drayber.

Sa nasabing barangay din niya nakausap ang suspek na si Narciso hanggang sumiklab ang matinding pagtatalo hinggil sa mga pasahero sa kani-kanilang ruta.

Napag-alamang hindi nagkaintindihan ang dalawa at sa pagkakataong ito ay sinugod ni Narciso, kasama ang limang traysikel drayber ang biktimang si Dabu.

Nagkarambulan hanggang sa agawin ang baril at ipinutok ng suspek sa batok ng biktima.

Agad naman rumesponde ang pulisya at nadakip si Narciso, habang ang iba pang suspek na drayber ay nagpulasan, subalit ayon pa sa ulat ng pulisya, nawawala pa rin ang baril ng biktima. (Dino Balabo at Boy Cruz)

vuukle comment

BARANGAY BAHAY PARE

BARANGAY LOMA DE GATO

BARANGAY PAJO

BARANGAY STO

BOY CRUZ

BULACAN

DABU

HERITAGE HOMES

MEYCAUAYAN CITY

NARCISO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with