Ayaw magbayad ng laro sa bilyar: Trader tinodas ng bayaw
January 8, 2007 | 12:00am
LUCENA CITY Pinagbalingang patayin sa saksak ang isang negosyante ng kanyang bayaw matapos na mainis ang huli sa paniningil sa kanya sa paglalaro nito ng bilyar sa Purok Ilang-ilang ng lungsod na ito, kamakailan.
Sa naantalang ulat na nakarating sa tanggapan ni P/SSupt. Reuben Theodore Sindac, chief of police dito, kinilala ang biktima na nagtamo ng mga saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan at namatay habang nilalapatan ng lunas sa MMG Hospital na si Ireneo Polanco Jr., 44, ng nasabing lugar.
Nakapiit na sa Lucena Police jail matapos na maratay ng ilang araw sa ospital ang suspek na si Juan Ilaga, 38, binata ng Purok Jasmin ng nasabi ring barangay.
Base sa ulat ng pulisya, naganap ang madugong insidente dakong ala-1:00 ng hapon sa bilyaran na pag-aari ng biktima.
Dahil sa marami ng nailaro ay siningil umano ang suspek ng kanyang kapatid na si Asuncion na asawa naman ng biktima subalit tumangging magbayad ang una hanggang sa magtalo ang magkapatid.
Sa gitna ng komosyon ay umawat ang nakatatandang anak ni Asuncion na si Ruel kung kaya umuwi ang suspek at pagbalik ay may dala na itong kitchen knife. Tiyempo namang dumating buhat sa pagpapakain ng kanyang sasabunging manok ang biktima at ito ang pinagbalingang pagsasaksakin ng bayaw.
Bagamat tadtad na ng tama sa ibat ibang bahagi ng katawan ay nagawa pa ng biktima na gumanti sa bayaw sa pamamagitan ng pagpalo dito ng dos por dos subalit dahil sa dami ng dugong nawala rito ay bumulagta ito sa semento.
Sinikap pang dalhin sa ospital ang bikima subalit dahil sa malalang kondisyon ay nalagutan ito ng hininga. Kasong homicide ang kinakaharap ng suspek nang lumabas ito buhat sa ospital matapos na ma-confine dahil sa mga sugat sanhi ng pagpalo naman sa kanya ng biktima. (Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest