Encounter: 1 dedo, 1 kritikal
January 7, 2007 | 12:00am
CAVITE Isang mangingisda ang nasawi habang nasa kritikal na kondisyon ang isa pang katao matapos ang naganap na engkuwentro sa pagitan ng grupong Gabay ng Gintong Layunin (GGL) at kaanak ng dating barangay captain sa bayan ng Naic, Cavite kahapon ng umaga.
Kinilala ni P/Supt. Joselito Sisante, hepe rito ang nasawi na si Samuel Colis, 35, may-asawa, habang kritikal naman si Arlanchito Saballa, 42, binata, driver at kapwa residente ng Brgy. Bucana Sasahan, ng bayang nabanggit.
Kasalukuyan namang iniimbestigahan kung sino sa mga kasama nito na sina Rogelio Mendoza at isang dating Bgry. Capt. Delos Santos ang namaril sa mga biktima.
Sa imbestigasyon ni PO2 Randy Solis, may hawak ng kaso, dakong alas-9:20 ng umaga habang papasok ang grupo ng mga biktimang miyembro ng GGL sa gate ng Freedom Ville upang magsagawa ng isang pagpupulong nang pigilin sila ng grupo nina Mendoza at delos Santos.
Dito ay walang nagawa ang mga GGL members at staff kung kayat umalis na lamang sila at tumungo sa dakong baybaying dagat upang dito dumaan papasok sa nasabing Freedom Ville ngunit agad ding pumunta at muli na namang humarang ang iba pang miyembro ni Mendoza at delos Santos.
Ilang sandali lamang nang bigla na nagkaputukan ang dalawang grupo at dito ay tinamaan ang mga biktima na agad namang isinugod ng kanilang mga kasama sa San Lorenzo Hospital. Masusi pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naturang insidente. (Cristina Go Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended