^

Probinsiya

2 tindahan ng paputok sumabog

-
BOCAUE, Bulacan –Naging maingay ang tahimik na pagdiriwang ng Three Kings sa bayang ito kahapon matapos sumabog ang dalawang tindahan ng paputok at nasunog ang halos P200,000 halaga ng produkto at mga ari-arian dito.

Ayon kay Supt. Manny Lopez, hepe ng pulisya ng Bocaue, ang sumabog ay ang PMP Fireworks na pag-aari ng isang Pacita Manahan sanhi ng malaking sunog.

Ayon sa imbestigasyon, maraming paputok na hindi nabili nitong nakaraang Bagong Taon ang nasa loob ng tindahan.

Hinihinala ng mga imbestigador na ang mainit na timpla ng panahon partikular na sa loob ng tindahan ang sanhi ng pagsabog, ngunit tinitiyak pa rin nila ang sanhi.

Ang dalawang tindahan ay sumabog bandang ala-1:45 ng hapon kahapon at naapula ang apoy bandang alas-2:20 ng hapon.

Tinatayang aabot sa P100,000 hanggang P200,000 ang halaga ng nasira at nasunog na ari-arian at mga produkto.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa sunog na tumagal ng ilang oras.

Una rito, pinaalalahanan ni Mayor Serafin dela Cruz ng bayang ito ang mga nagtitinda ng paputok noong Disyembre na panatilihing ‘di tataas sa 25 kilo ang mga paputok na naka-display sa kanilang mga tindahan.

Ito rin ang laging ipinapayo ng Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association Inc., (PPMDAI) sa mga nagtitinda ng paputok upang makaiwas sa mga malalakas na pagsabog. (Dino Balabo/Boy Cruz)

AYON

BAGONG TAON

BOY CRUZ

DINO BALABO

MANNY LOPEZ

MAYOR SERAFIN

PACITA MANAHAN

PHILIPPINE PYROTECHNICS MANUFACTURERS AND DEALERS ASSOCIATION INC

THREE KINGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with