^

Probinsiya

Driver umiwas sa trapik, nag-short cut...: Hi-way robbery: 1 patay, 1 malubha

- Ni Cristina Go Timbang -
CAVITE – Isang katao ang patay habang isa pa ang kritikal makaraang harangin ng tatlong hinihinalang miyembro ng robbery hold-up gang sakay ng enduro motorcycle ang isang kotse na katatapos lamang magwithdraw ng malaking halaga sa bangko sa Brgy. Zone 4 Dasmariñas, ng lalawigan kamakalawa.

Kinilala ni Police Supt. Mario Reyes, hepe ng pulisya sa bayang ito ang namatay na biktima na si Ricardo Soriano, nasa hustong gulang, habang nag-aagaw-buhay sa pagamutan ang isa pang biktima na nakilalang si Lito Espinosa.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ganap na alas-2:50 ng hapon nang maganap ang insidente

Nabatid na sakay ang dalawang biktima ng kulay itim na Honda Civic (USS-374) na minamaneho at pag-aari ng biktimang si Espinosa nang maganap ang ‘di inaasahang insidente.

Habang binabagtas ng mga ito ang naturang lugar at papauwi na sana galing sa Metrobank sa Aguinaldo hiway sa Brgy. San Agustin 3 ng bayang ito at nagwithdraw ng malaking pera nang biglang sumulpot ang isang motorsiklo sakay ang tatlong magkakaangkas na suspek.

Mabilis na hinarang ng mga suspek ang kotse at agad na pinagbabaril ang mga biktima.

Nang makitang duguan ang mga biktima ay mabilis na nasibabaan ang mga suspek saka binuksan ang kotse at kinuha ang dalawang bag na naglalaman ng milyong pisong halaga ng pera bago mabilis na tumakas.

Nauna rito, dahil sa tindi ng trapiko sa national road sa Dasmariñas ay minabuti ng mga biktima na humanap ng shortcut road.

Gayunman, natiyumpuhan naman nila ang mga suspek na sadyang nag-aabang ng mabibiktima sa lugar.

Malaki ang hinala ng pulisya na posibleng natunugan pa ng mga suspek ang mga biktima na nanggaling sa bangko at nagwithdraw ng malaking halaga hanggang sa sila ay sundan.

Nang magawi sa naturang liblib na lugar ay hindi na nag-aksaya pa ang mga suspek kaya isinagawa ang planong panghoholdap sa mga biktima.

BIKTIMA

BRGY

DASMARI

HONDA CIVIC

LITO ESPINOSA

MARIO REYES

NANG

POLICE SUPT

RICARDO SORIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with